Pang-iinsulto ni Regine sa mahihirap, tinuligsa ng CBCP

TINULIGSA ng CBCP- Episcopal Commission on Family and Life  ang  ginawang pang-iinsulto at pangmamaliit sa dignidad ng mga mahihirap na pamilya ng Asia’s songbird na si  Regine Velasquez.

Ayon kay CBCP-Episcopal Commission on Family and Life executive secretary Fr.Melvin Castro, kawalan ng oportunidad sa lipunan ang dahilan ng kahirapan ng maraming mamamayan at hindi ang pagiging inosente nila sa paggamit ng pills at condoms.

Ginawa ni Fr.Castro ang pahayag matapos na ihayag ni Velasquez na hindi alam ng mga mahihirap na mabubuntis sila kapag nakikipagtalik ng walang condom at contraceptives.

“We respect her(Regine)whatever position in society or in the showbiz industry.Pero nakaka-insulto yan sa mga mahihirap na hindi nila alam na sila’y makakabuo o magdadalantao kapag sila’y nagtatalik ng walang condoms at contraceptions.Huwag nating maliitin ang kakayanan ng mahihirap, siya mismo ang nagsabi na iyong mas nakaka-angat sa buhay ay nagpa- family planning assuming na hindi natin alam kung anong family planning method ang ginagamit nila sapagkat sila ay edukado. So ang isyu ay edukasyon,bigyan ng pamahalaan ng kuwalidad na edukasyon ang mga mahihirap.Maralita na nga sila, sasabihin mo pa na wala silang alam sa ginagawa nila ay pang-iinsulto na yan sa pagkatao, pahayag ni Fr.Castro sa panayam ng Radio Veritas.

Binigyan diin ni Fr.Castro na hindi contraceptives ang magpapa-angat sa buhay ng mga Filipino kundi edukasyon para maitaas ang kanilang moral at mabigyan ng oportunidad na magkaroon ng magandang trabaho.

Ipinaalala ng pari kay Regine Velasquez na ang mga taong sinasabihan niyang walang alam sa responsableng pagpapamilya ay yaong mga taong naglagay sa kanya sa pedestal at nagpasikat sa kanya.

“Ang mga singer, ang mga artista,  paano ba sila sumikat? Paano sila nagkaroon ng ganyang status sa lipunan? Dahil ba sa contraceptives? O nagkaroon sila ng oportunidad sa buhay? Bigyan din ng oportunidad ang mga mahihirap para umangat din sila sa buhay,”pahayag ni Fr.Castro sa panayam ng Radio Veritas.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply