Pangalagaan ang mga mata

NAIS mo bang maging malusog ang iyong mga mata?

Nakasalalay sa iyo kung papaano mapapangalagaan ang iyong mga mata.

Narito ang ilang simpleng gawain na kayang-kaya mong gawin para mapanatiling malusog ang iyong mga mata:

1. Huwag kusutin kapag nangati. Lalo lamang maiirita ang mga mata kapag kinusot. Mainam na maghilamos gamit ang malinis na tubig, siyempre pa, dapat malinis din ang mga kamay.

2. Huwag magbasa nang nakahiga o kaya naman ay madilim o sa moving vehicle. Nakalalabo ito ng paningin.

3. Kapag may irritation ang mga mata ay agad na komonsulta sa doktor at iwasang mag-self medicate. Mas mainam kung manggagaling sa doktor ang gamot na gagamitin sa iyong mga mata.

4. Ipahinga muna ang mga mata bago basain lalo na kapag galing sa mahabang oras na gawain.

5. Gumamit ng salamin o sunglasses kapag lalabas at maglalakad sa matinding sikat ng araw.

6. Kumain ng mga pagkaing masustansya at mayaman sa Vitamin A at lutein. Ang Vit A at lutein mahusay na eye nutrients.

Ilang pagkaing para sa mga mata

Avocado – Mayamn ito sa lutein na sinasabing mainam sa mga mata dahil naiiwasan nito ang tinatawag na “mascular degeneration” at cataracts. Mayaman din ang prutas na ito sa vitamin A, Vitamin C, Vitamin B6 at Vitamin E.

Carrot – Matagal ng napatunayan na mahusay na pagkain para sa mata ang carrot dahil sa taglay nitong Vitamin A.

Broccoli – Mabuting source ng vitamin C, calcium, lutein, zeaxanthin at sulforaphane.

Itlog – Good source din ito ng Vitamin A, zinc, lutein, lecithin, B12, vitamin D at cysteine.

Kamatis – Nagtataglay ang kamatis ng high levels of Vitamin C at lycopene na kapwa mahalagang eye nutrient.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply