Pangangalaga sa Marikina watershed aayudahan ng DENR

UPANG mas maprotektahan ang lungsod laban sa baha, lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) ang lokal na pamahalaan ng Marikina at Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang maisulong ang pangangalaga sa Marikina Watershed.

Ang paglagda sa MOA ay ginanap noong ika-13 ng Hulyo sa Galeria ng Sentrong Pangkultura ng Marikina (Kapitan Moy Building) na nasa Brgy. Sta. Elena.

Ang paglagda ay pinangunahan nina DENR Assistant Secretary Michelle Angelica Go (na kumatawan kay Secretary Ramon Jesus Paje) at Mayor Del De Guzman.

Layunin nitong mas marami pang maitanim na puno sa 20 ektaryang lupain sa Marikina Watershed na matatagpuan sa Sitio Kayrupa, Barangay San Rafael, Rodriguez, lalawigan ng Rizal. Hiniling ng lokal na pamahalaan ang nasabing 20 ektaryang lupain mula sa DENR.

Nagbigay naman ng 10,000 binhi ng iba’t ibang puno ang DENR upang maitanim ang mga ito bahaging ibinigay sa Marikina. Plano naman ng Marikina na itanim ang mga nasabing binhi sa ika-28 ng Hulyo, ika-10 ng Agosto, ika-24 ng Agosto, at ika-8 ng Setyembre.

Dagdag pa rito, muling humiling si De Guzman ng dagdag pang 10 ektaryang lupain sa DENR para mataniman ng lokal na pamahalaan ng dagdag pang 5,000 binhi.

“Bilang paunang bahagi ng depensa ng ating lungsod laban sa baha, marapat lamang na ating pangalagaan ang Marikina Wareshed.  Sa pamamagitan ng pagtatanim ng maraming puno, tiyak na malaking tulong ito upang maibsan o mapigilan ang pagragasa ng tubig-baha sa ating lungsod mula sa bundok tuwing umuulan nang malakas,” wika ni Mayor Del De Guzman.

Ang pangangalaga at pagpapanumbalik ng mga puno sa Marikina Watershed ay bahagi ng National Greening Project ng pamahalaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply