Panghapong klase sa Maynila sinuspinde

SINUSPINDE na rin ang panghapong klase sa mga pampublikong paaralan sa elementarya at high school sa Maynila dahil sa pagbugsu-bugsong ulan.

“I ordered that public elementary to highschool afternoon classes be suspended. Morning classes will continue until 12 noon.”  ayon kay Manila Mayor Alfredo Lima sa kanyang Facebook account.

Ayon sa ulat sa telebisyon at radyo, ang pagsuspinde ng mga klase ng iba’t ibang paaralan sa Klakhang Maynila ay bunsod pa rin ng pinagsanib na lakas ng active low pressure area (LPA) at Hanging Habagat na siyang nagpapaulan sa Metro Manila.

Kaninang madaling araw, ilang paaralan na sa Metro Manila ang nagkansela ng kanilang pang-umaga at maging panghapong klase mula preschool hanggang high school.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply