Panghihimasok ng US sa sigalot sa Panatag binatikos

BINATIKOS ni Senador Bongbong Marcos, Jr. ang pakikialam ng Estados Unidos sa sigalot ng Pilipinas at China sa Scarborough Shoal o Panatag sa west Philippine sea.

Ginawa ni Marcos ang pahayag sa gitna ng pangungulit ng Palasyo sa US government  na tulungan ang Pilipinas sa paglutas ng agawan sa teritoryo sa Panatag shoal, gaya ng pagpapatrulya ng spy plane at pagbili ng mga armas o barko sa Amerika.

Ikinatuwiran ni Marcos na dapat itigil na ng Pilipinas ang paghingi ng tulong sa Amerika dahil lalo lang nagagalit ang Tsina sa pakikialam ng nasabing bansa.

Iginiit pa nito na matagal ng hinihiling ng China sa Pilipinas na iwasang palakihin ang isyu sa territorial dispute at magkaroon na lang ng bilateral talks o negotiations.

Subalit nagkukumahog pa rin ang Pilipinas na maisingit ang Amerika sa isyu para malutas ang pag-aagawan sa nasabing teritoryo.

Naniniwala si Marcos na gusto lang ng Amerika na maprotektahan ang kanilang interes sa Asia Pacific region at hindi ang kapakanan ng mga Pilipino.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply