Panibagong LPA, binabantayan ng Pagasa
BINABANTAYAN ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang low pressure area (LPA) na namataan sa layong 120 kilometro, Hilagang-silangan ng Borongan, Eastern Samar.
Ayon sa PAGASA asahan na ang madalas na maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa gitna at Katimugang Luzon, Visayas at Mindanao.
Katamtaman hanggang sa malakas na hangin naman ang iiral sa Luzon habang ang mga baybayin nito ay magiging banayad ang pag-alon.
Ang tinatayang agwat ng temperatura ay mula 23 hanggang 32 antas ng sentigrado.
You must be logged in to post a comment Login