Panibagong rollback sa LPG ipinatupad

NAGPATUPAD ng panibagong rollback sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ngayong araw.

Binawasan ng P5.50 ang presyo ng kada kilo o P60.50 sa kada tangke ng LPG ng Petron at Solane.

Nagtapyas naman ang Petron ng P3.45 sa kada litro ng kanilang Auto-LPG.

Nauna na nang nagrolbak ang mga miyembro ng LPG Marketers Association (LPGMA) kahapon.

Ang rolbak ay bunsod pa rin ng pagbaba ng presyuhan ng LPG sa world market.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply