Paninira vs TVI mining firm, inilantad ng NBI

INILANTAD na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang natuklasang paninira ng ilang grupo laban sa isang mining firm na ipinadadala ang mensahe sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan kabilang na ang Pangulong Benigno Aquino.

Batay sa mga natuklasan ng NBI, ang pekeng email ay nagmula sa TVI RESOURCES Development Philippines (TVIRD), isang Canadian mining firm na nanag-ooperate sa Zamboanga Del Sur.

Sangkot diumano ang naturang kumpanya sa mga kriminal na gawain tulad ng pakikipagsabwatan para mapaslang ang mga illegal miners sa probinsya.

Sinabi rin sa email na mayroong kinasabwat na security force ang kumpanya para sa malawakang pag-atake sa mga small scale miner.

Napatunayan sa imbestigasyon na peke ang naturang email dahil bukod sa ibang domain address na gamit ng nagpadala ng pekeng email ay iba rin ang ginamit nitong logo.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply