Panukalang ‘Dolphying Day’, hihintayin pa ng Palasyo

HIHINTAYIN muna ng Malakanyang ang magiging resulta ng inihaing House Bill 6392 ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone sa Kongreso na ideklarang “Dolphying Day” o  “Filipino Fun Day” ang Hulyo 10, araw ng pagkamatay ng Comedy King na si Rodolfo Vera Quizon , Sr. bago pa nila katigan ito.

“We will leave it first to the legislature on how to deal with that particular bill and we’ll study it when it reaches the Executive,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Sa ulat, layunin ng panukalang batas ni Rep. Evardone na suklian ang bawat pagpapatawa at kasiyahan na ibinigay ng Hari ng Komedya.

Sa oras na naipasa aniya ito ay ang lahat ng pampublikong  institusyon, business establishments sa pribadong  sektor ay gugunitain ang naturang araw at ituturing itong  “special non-working holiday”.

Pagdeklara ng national day of mourning, kinokonsidera

SA kabilang dako, kinokonsidera ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagdedeklara ng national day of mourning kaugnay sa pagpanaw ni comedy king Dolphy.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nasa tanggapan na ng Pangulo ang mga kinakailangang dokumento para sa nasabing deklarasyon.

Ayon kay Valte, karaniwang idinedeklara ang national day of mourning sa araw ng pagkamatay o libing ng kinikilalang personalidad.

Hinihintay na lamang umano nila mula sa pamilya Quizon kung kailan ang pinal na petsa na ililibing ang comedy king.

Sa ulat pa rin, sa darating na Linggo, Hulyo 15 o sa Martes Hulyo 17 ang libing ng namayapang Comedy King.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply