Parak aksidenteng nabaril, patay

PATAY ang isang pulis Maynila matapos na umano’y aksidenteng pumutok ang kanyang service firearm na nakalagay sa ilalim ng kanyang unan habang natutulog sa Port Area, Maynila.

Kinilala ni Senior Insp. Joey de Ocampo, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktima na si SPO3 Hirro Hernandez, 49, may-asawa, nakatalaga sa Manila District Traffic Enforcement Unit at nakatira sa Ambrosia Cruz St., Novaliches, Quezon City.

Sa report ni PO3 Henry Navarro, nagpasya ang biktima na humiga sa loob ng tanggapan ng Zero Obstruction Section ng Manila Traffic Bureau sa may Port Area, Maynila dahil sumakit ang kanyang ulo.

Bago ang insidente, desk officer umano ang biktima ng dumating si Ma. Fe Daws, 33, may-asawa at residente ng Phase I Mulawin St. Francisco Homes San Jose Del Monte, Bulacan para bisitahin ang biktima.

Ang insidente ay naganap umano sa loob ng nasabing tanggapan ganap na ala-1:30 kahapon ngunit ilang oras pang inoobserbahan sa pagamutan ang biktima bago tuluyang binawian ng buhay.

Ilang sandali pa, nakaramdam umano ng pananakit ng ulo ang biktima at ipinasiya nitong hubarin na ang kanyang uniporme at magpalit na ng pang sibilyan na damit saka humiga sa sofa at inilagay sa ilalim ng kanyang unan ang baril na askidenteng pumutok.

Agad namang nakahingi si Daws ng tulong sa kasamahan ng biktima kaya naisugod ito sa Ospital ng Maynila (OSMA) ngunit namatay din makalipas ang ilang oras.

Nagtamo ng tama ng bala ng kalibre .45  ang biktima sa ilalim ng kanyang tenga na tumagos naman sa noo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply