Parak, holdaper nagratratan: Bata nadamay, patay

NASAWI ang isang bata makaraang madamay sa barilan ng pulis at hinihinalang holdaper sa Malabon.

Nabatid na nakasakay ng motorsiklo si PO1 Dan Perry Rumbawa ng Navotas Police nang tapatan siya ng isa pang motorsiklo kasunod ng pagbunot ng baril ng isa sa nakasakay na nakagitgitan ng pulis sabay ng pagdedeklara ng holdap.

Dahil dito, nagkapalitan ng putok sa pagitan ng mga holdaper at pulis at natamaan ng ligaw na bala si Torry Maiso habang tinamaan din ng bala sa paa ang isa pang motorista.

Tinamaan din ang isa sa mga suspek habang nakatakas ang dalawa pa.

Kasalukuyang pinaghahanap ang mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply