Parang si Derek Monasterio na naging babae!

OUT sa eksena si Joshua Dionisio at balitang may problema sa kanyang career. Habang kabilaan ang show ng ka-loveteam niyang si Barbie Forteza, iba na ang ka-partner nito sa ikalawang henerasyon ng Luna Blanca na magsisimula sa July 16. Ito’y si Derrick Monasterio.

No comment si Barbie pag tungkol kay Joshua ang pinag-uusapan. Ganoon din si Derrick.

Nagpaalam ba siya kay Joshua?

“Wala pa po. Hindi pa po kami nagkikita,” mabilis na sagot ni Derrick.

Ano ba ang nangyari kay Joshua, nagpahinga na?

“Hindi ko po alam. Wala po akong idea,” sey pa niya.

“Masaya ako na ka-loveteam si Barbie. Sa totoo lang kung papipiliin ako kung sino ang gusto kong ka-loveteam, si Barbie talaga. Kasi, nakatrabaho ko na si Bea (Binene), si Barbie, hindi pa. Nu’ng habang break namin, nagkakausap naman kami ni Barbie. Nagkakilala, ganoon. Maganda po ‘yung ganoon,” sey niya.

So, ang atensyon niya ngayon ay kay Barbie na, hindi na kay Bea?

“Grabe, naha-hotseat ako. Sabihin na lang natin na for a while nagustuhan ko rin si Bea pero…

“Masasabi ko, hindi na kami gaanong nag-uusap,” pag-amin niya.

“Basta Masaya ako na ka-loveteam si Barbie ngayon.”

Pag nagkataon na pamiliin siya?

“Gusto ko si Barbie, hindi ako mag-iisip kasi iba, e. Pag nakikita si Barbie sa TV, mas iba siya sa totoong buhay, talagang kalog siyang tao. Parang ako siya na naging babae,” aniya pa.

Posible kayang magparamdam siya kay Barbie?

“Why not? Basta ganoon po ang first step, magkakilala muna tapos hindi natin alam kung anong next na mangyayari, Siguro pag nasa tamang age na si Barbie. Magkasunod nga po ‘yung birthday namin, July 31 siya, August 1 ako. Basta sa ngayon career muna,” aniya pa.

‘Yun na!

-0o0-

HOW true na nagkukulang si Patrick Garcia sa sustento sa anak nila ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz? May tsismis na hindi na raw niya pinapadalhan.

“Sinong nagsabi?”gulat na reaksyon ni Patrick sa isang panayam.

“Hindi yun totoo. I have to clarify that. Medyo, of course, sometimes pag walang trabaho medyo nahihirapan, di ba?

“I think if ever man, naiintindihan maman ni Jennlyn yun at saka ni Tita Lydia. Ganun naman, give and take naman kami. Minsan, si Jen ang walang ano, di ba? So ganon talaga ang buhay,”

Nagkakaroon ba siya ng oras para bisitahin si Alex Jazz?

“Oo naman. Kagabi lang nandun ako bahay nila,” sey niya

-0o0-

IKINUWENTO rin ni Kris Aquino sa Kris TV na niyaya ni Mang Dolphy noon ang kaibigan niyang si Zsa Zsa Padilla na magpakasal na sila. Kaya lang, tumanggi raw ang singer/actress. Ang sabi raw nito kay Mang Dolphy ay baka gumulo lang. Meaning, kung si Zsa Zsa ang magiging legal wife ng yumaong ace comedian ay baka magkagulo pa sa pamilya nila dahil sa hatian ng mamanahin. At yun ang ayaw mangyari ni Zsa Zsa.

O, ‘di ba, napatunayan naman ni Zsa Zsa na hindi pera ang habol niya sa King of Comedy at siya talaga ang huling babae ni Mang Dolphy.

-0o0-

ITINANGGI ni Xian Lim ang isyu na inisnab niya si Vice Ganda nang makita niya ito sa birthday party ng isang talent manager.

Sey ng  aktor, wala naman daw dun si Vice. Hay naku, ang hilig talaga ni Xian mag-deny. Lumalabas tuloy na si IC Mendoza pa ang sinungaling dahil sa kanya galing ang tsikang ito? Parang hindi naman sisirain ni IC ang kredibilidad niya sa ‘Juicy,’no?

Ganyang-ganyan din ang ginawa ni Xian na pagdi-deny sa mga model at staff na inisnab niya at gustong magpa-picture  sa isang shooting ng commercial.

Hay naku talaga!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply