Pari sa Kabataan: Lumahok sa eleksyon

HINIKAYAT ng isang Catholic priest ang mga kabataan na aktibong makilahok sa eleksyon at gamitin ang mga social networking sites para sa pagkakaroon ng malinis at mapayapang halalan sa susunod na taon.

Ayon kay Fr. Conegundo Garganta, executive secretary ng Episcopal Commission on Youth ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), marami ang magagawa ng mga kabataan para magkaroon ng “Clean, Honest, Accurate, Meaningful at Peaceful” (CHAMP) na halalan.

Aniya, dapat boluntaryong makiisa ang mga kabataan sa gawain ng Parish Pastoral Council on Responsible Voting sa pagsusulong ng CHAMP elections sa bansa.

Bukod dito, hiniling ni Garganta sa mga kabataan na gamitin ang “social networking sites” upang ipaalam at ibalita ang mga masamang gawain, katiwaliang ginagawa at iba’t ibang pandaraya na ginagawa ng mga politiko at kanilang supporter para lamang manalo sa halalan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply