Parking lot inararo ng Mazda: Bebot sugatan

NAGTAMO ng mga sugat ang isang hindi pa nakikilalang babae makaraang araruhin ng isang sasakyan ang parking lot ng isang fastfood chain sa Welcome Rotonda sa Quezon City kaninang madaling araw.

Nabatid na sumalpok ang isang Mazda 3 (TKU 548) sa parking lot ng fastfood chain kung saan nadamay ang nakaparadang Hyundai Tucson (PDI 852) na pagmamay-ari ng isang Carlos Tan.

Nadamay din sa salpukan ang isang babae na nagbabantay sa mga nakaparadang kotse.

Inamin naman ng driver ng nakabanggang sasakyan na si Azon Domingo, isang enlisted personnel ng Philippine Coast Guard (PCG), na nakatulog siya habang nagmamaneho.

Isinugod naman sa Philippine Orthopedic Hospital sa Banawe Avenue ang hindi pa nakikilalang biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply