Pasaporte ni Delfin Lee pinakakansela sa DFA

HINILING ni Vice President Jejomar Binay sa Department of Foreign Affairs (DFA) na kanselahin ang ibinigay na pasaporte sa may-ari ng Globe Asiatique sa harap ng mga haka-haka na nakalabas na ito ng Pilipinas upang umano’y matakasan ang kasong syndicated estafa na isinampa ng pamahalaan.

Bukod sa pagkansela sa pasaporte ni Delfin Lee, nanawagan din si Binay sa pamahalaan na tugisin ang nagtatagong may-ari ng Globe Asiatique upang maproseso ang extradition nito para maibalik sa Pilipinas.

Si Lee ay may warrant of arrest na ipinalabas ng Pampanga Regional Trial Court sa kasong syndicated estafa kaugnay sa itinayong housing project nito sa Mabalacat, Pampanga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply