Paslit binoga ng kalaro, dedo

NAMATAY ang batang babae habang sugatan naman ang kalaro nito matapos aksidenteng mabaril ng isang 12-anyos na batang lalaki sa Purok 6, Barangay E. Morgado, Santiago, Agusan del Norte.

Nasawi si ‘Rea’, 12, habang sugatan naman si ‘Angel’, 13, pawang mga hindi tunay na pangalan, na kapwa nakatira sa naturang lugar.

Ayon kay ‘Angel’, nagpunta sila sa bahay ng mga magulang ng suspek na si ‘Ian’ upang manghingi ng watermelon ngunit hindi sila nabigyan dahil wala sa kanilang bahay ang lolo nito kung kaya’t umuwi na lamang ang mga biktima.

Ngunit nagulat sila Rea na pagsapit nila sa isang kubo ay nilalaro ng binatilyo ang shotgun ng kanyang lolo at saka itinutok sa kanila.

Bigla umanong pumutok ang hawak na baril at tinamaan sa likuran ng katawan si Rea na naging sanhi ng kanyang pagkamatay habang nagtamo ng mga tama ng shrapnel si Angel na katabi noon ng biktima.

Sinasabing ang shotgun na ginamit ni “Ian” ay walang mga ligal na dokumento.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply