Paslit ikinulong sa kulungan ng aso, na-trauma

KALUNOS-LUNOS ang sinapit ng isang apat na taong gulang na batang babae matapos ma-trauma nang ikulong sa kulungan ng aso ng anak ng isang negosyanteng sa Caloocan City kahapon.

Natagpuan ang bata na tinago sa pangalang Korina, residente ng Dagat-Dagatan ng lungsod, ng kanyang mga magulang na nakakulong sa loob ng steel screen bar sa hardware construction material.

Arestado at pormal ng ipinagharap ng kasong paglabag sa R.A 7610  o child abuse sa piskalya ng Caloocan si Lance Tan, 25, dalaga, anak negosyanteng Tsinoy na si Ramon Tan, may-ari ng Nancy Hardware Construction Supply sa Dagat-Dagatan ng lungsod.

Sa imbestigasyon ni Sp01 Marikaye Daquiaog ng Women Children and Protection Desk ng Caloocan police, ganap na alas-3:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa tapat ng hardware store ng suspek.

Batay sa reklamo ng ina ng biktima na si Elmie Labayan 31, mula alas 3:00 ng hapon hinahanap ang kanilang anak subalit laking gulat ng makita ang kanyang anak na nakakulong sa isang steel screen bar na pag-aari ng nasabing negosyante.

Base sa impormasyon nagalit umano si Lance dahil sa sobrang likot at ingay ng mga batang naglalaro sa harapan ng kanilang tindahan subalit si Korina lamang ang naipasok sa nasabing kulungan ng aso dahil sa nakatakas ang mga kalaro nito.

Mariin namang pinabulaanan ng suspek ang nasabing paratang ng magulang ng biktima na nagsabing handa ring maghain ng kaso laban sa mga magulang ng bata.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply