Paslit nabundol ng SUV, patay

TODAS ang paslit na totoy matapos mabundol ng sports utility vehicle (SUV) habang ang una ay tumatawid sa Malabon City Martes ng hapon, Hulyo 24.

Namatay habang ginagamot sa Manila Central University Hospital sanhi ng pinsala sa ulo si Maximus James Aguiliz Gabuat, 5 ng University Avenue, Potrero ng lungsod.

Sumuko naman sa mga pulis si Niño Gutirrez, M. H. Del Pilar, Santolan ng lungsod at driver ng Asuzu Altera (ZHG-138).

Base sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon, binabagtas ng suspek ang Guava Road, Potrero ng lungsod nang biglang tumawid ang biktima.

Hindi na naiwasan ang totoy na agad na dinala sa MCU subalit namatay dahil sa pinsala sa ulo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply