Paslit tusta sa sunog sa Davao

TODAS ang 2-anyos na lalaki nang maiwang mag-isa sa nasunog nilang bahay sa Digos Davao del Sur.

Kinilala ang biktima na si John Rey Torres.

Sa imbestigasyon, iniwan ng ina na si Nora Torres ang dalawang anak na natutulog sa kanilang bahay para umigib ng tubig pero pagbalik niya ay malaki na ang apoy sa nasusunog nilang bahay.

Sinubukang iligtas ni Torres ang dalawang anak pero tanging ang bunso na walong buwan lang ang kanyang nahagilap.

Lumalabas na electrical wiring ang dahilan ng apoy.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply