Pasok sa kolehiyo, gobyerno sinuspinde

SINUSPINDE ng Malakanyang ang pasok sa mga opisina ng pamahalaan at kolehiyo sa National Capital Region (NCR) ngayong alas-2:30 ng hapon.

Sa ipinalabas na Memorandum Circular No. 32 na nilagdaan ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., ang desisyong kanselahin ang pasok ay batay sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at patuloy na pagsama ng panahon dulot ng bagyong Gener.

Gayunman, mananatili namang may pasok ang mga ahensya ng pamahalaan na may kinalaman sa pagdadala ng mga basic at health services at preparedness/response sa mga kalamidad o lugar na patuloy na hinahagupit ng bagyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply