Pasok sa lahat ng korte sa NCR sinuspinde

SINUSPINDE na rin ngayong araw ng Korte Suprema ang pasok sa lahat ng korte sa National Capital Region dahil sa patuloy na pag-ulan na nagresulta ng pagbaha sa ilang bahagi ng Kalakhang Maynila.

Sa opsiyal na anunsiyo ng SC Public Information Office, kanselado na ang pasok sa hapon sa mga korte sa Metro Manila dahil sa masamang lagay ng panahon.

Wala na ring pasok sa Court of Appeals (CA), Court of Tax Appeals (CTA), Sandiganbayan at lahat ng lower courts.

Mamayang alas-3:00 naman ng hapon ay sususpindihin na rin ang pasok ng Punong Tanggapan ng Korte Suprema.

Layunin nito na maingatan ang kaligtasan ng kanilang mga tauhan lalo’t maraming lugar na ang binaha dahil sa matinding buhos ng ulan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply