Patakaran sa mga fun run, marathon pag-aralan – Lapid

DAHIL sa biglang pagsikat ng mga fun run, marathon at iba pang multi-distance sporting events, nais ni Senador Manuel Lapid na pag-aralan ang mga ipinapatupad na patakaran para sa ligtas at maayos na karanasan para sa mga lumalahok dito.

Sa Senate Resolution 794, ipinasisilip ng senador ang mga safety standards sa mga nagaganap na fun run, marathon at iba pang running events sa bansa.

“Dahil sa pagdami ng mga tao na pumapasok na sa running sport, ay nahaharap kami sa maaring paglabas ng mga negosyante na kumikita sa mga event na ito pero walang pakialam sa kaligtasan ng mga kalahok” ani Lapid “May mga pagkakataon nga na ang mga kalahok ay may kasabayan na mga sasakyan na mapapaisip sila kung talaga bang secured ang kanilang ruta at kung nakikipagtulungan ba ang mga organizers sa mga awtoridad.”

Dagdag pa ni Lapid na marami sa mga runner ang nagrereklamo sa kakulangan ng mga water station, isang bagay na kailangan sa mga running event.

Napuna rin ang kakulangan sa mga portable toilet, race marshals na gagabay sa mga kalahok, route markers at mga medical staff na naka-standby para sa mga kalahok.

“Habang ang mga running at multi-distance sporting events ay hakbang para mahikayat ang mga tao sa sports, kailangan din na isaalang-alang natin ang kanilang kaligtasan at kaayusan.” dagdag pa ni Lapid.

Sumikat ang mga running event sa bansa at iba pang panig ng mundo dahil hindi gaanong magastos ang paglahok dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply