Bus vs ambulansya: 3 patay

TATLO na ang patay sa salpukan ng isang pampasaherong bus at ambulansya habang tatlo pa ang isinasalbang mabuhay sa Sorsogon City, probinsya ng Sorsogon kagabi.

Kaninang madaling araw, binawin na rin ng buhay ang biktimang si Sarah Jane Inalno Calagdao residente ng Barangay Guruyna sa nasabing bayan.

Nananatili pa ring kritikal sa ospital ang tatlong biktima na sina Jenny Villamor, 16-anyos, Lorna Iglesia, Maricris Inalno na pawang nagtamo ng matinding kapansanan sa ulo.

Sa kabutihang palad, walang nasaktan sa mga pasahero ng naturang bus.
Naunang idineklrang dead-on-the-spot ang driver ng ambulansya ng LGU-Juban na si Benjie delos Reyes Guarte at isa sa sakay nitong si Marilyn Ladino y Jalmisco, residente rin ng Barangay Guruyna.

Sa ngayon, ikinakasa na ang imbestigasyon ng awtoridad upang matukoy kung sino ang may kasalanan sa nangyaring aksidente.

Nagbanggan ang ambulansya na pabalik na sa Juban galing sa Legazpi City at Elavil bus na minamaneho ng isang Noel Madera Pacaler na patungo naman sa lungsod ng Legazpi sa Sitio Tublijon, Barangay Rizal, Sorsogon City.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply