Patay na beybi napulot sa basurahan sa QC

NATAGPUAN ang isang patay sa sanggol sa tambakan ng basura sa gilid ng Eastbound Lane sa Commonwealth Avenue Quezon City kaninang umaga.

Nabatid na pasado alas- 6:00 ng umaga nang matagpuan ng mga batang nagkakalkal ng basura ang patay na sanggol na babae na naka-diaper pa at nakasuot ng puting damit.

Hinihinalang kapapanganak pa lamang nito.

Kaugnay nito, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang ang Quezon City Police District (QCPD) para matukoy kung sino ang nagtapon sa sanggol at kung sino ang mga magulang nito.

Iimbestigahan din kung pinatay o namatay ang naturang baby.

Dinala na sa Tajuna Funeral Homes ang patay na sanggol para pabendisyunan at mabigyan ng maayos na libing.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply