Patay na dolphin natagpuan sa Oslob, Cebu

NATAGPUAN ang isang patay na dolphin sa karagatang sakop ng bayan ng Oslob, Cebu.

Ang nasabing bayan ay sumikat dahil sa mga nakikitang butanding o whaleshark dito.

Nilinaw naman ng lokal na pamahalaan na dolphin ang natagpuang patay at hindi isang butanding. Hindi rin umano sinaktan ang nasabing dolphin.

Ayon sa mga sumuring whaleshark expert at mga doktor ng PHYSALUS, isang non-government organization, namatay ang dolphin dahil sa sakit nito.

Nanawagan naman ang lokal na pamahalaan at mga eksperto sa mga residente sa lugar, maging sa mga turista na huwag saktan ang mga sea creature, butanding man o dolphin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply