Patay sa bakbakan sa Basilan tumaas pa

TUMAAS na sa 16 ang bilang ng namamatay sa naging bakbakan ng militar at Abu Sayyaf group sa Sumisip, Basilan kahapon.

Ani Philippine Army M/Gen. Ricardo Rainier Cruz, 12 ang namatay sa panig ng militar habang 4 naman sa ASG.

Naganap ang bakbakan sa Brgy. Upper Cabengbeng, Sumisip, Basilan kung saan naglunsad ng pursuit operation ang tropa ng 4th Scout Ranger Batallion sa Tumahubong Agrarian Reform Beneficiaries Integrated Development (TARBID) Cooperative,  matapos ang insidente ng harassment ng may 50 mga armadong rebelde na pinangungunahan ng isang Wyms Wakil.

Nabatid na si Wakil ay dating supervisor ng naturang rubber plantation na tinanggal ng pumunuan ng kooperatiba dahil sa maling gawain nito.

Nakipagsanib puwersa si Wakil sa rebeldeng ASG para gumawa ng kaguluhan laban sa naturang kooperatiba bilang ganti sa pagtanggal sa kanya.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply