Patutsada ng ilang sektor sa CCT, pinalagan

PINALAGAN ng Malakanyang ang patutsada ng ilang sektor na ginagamit ng pamahalaan ang conditional cash transfer (CCT) program para mamuhunan sa taumbayan.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda na ang CCT ay ginagamit ng gobyerno para sa kinabukasan ng bagong henerasyon ng mga kabataang filipino na may oportunidad na makapag-aral at mabigyan ng pagkakataon ang mga magulang na mamuhay ng maayos at maalagan ang kanilang pamilya.

“I don’t see the reason, I don’t see the logic behind the resistance to the CCT other than the fact that it has de-politicized and has taken away patronage politics. It’s an investment on the people,” ayon kay Sec. Lacierda.

Ang CCT program ay nagbibigay sa bawat mahirap na pamilyang filipino ng mahigit sa P1,500 kada buwan sa kondisyong kailangang pag-aaralin ng magulang ang kanilang mga anak habang ang mga una naman ay sasailalim sa checkups na may kaagapay na health practitioner.

Sinabi pa ni Sec.Lacierda  na naging matagumpay ang CCT sa Brazil at Mexico at maging matagumpay sa 80 lalawigan mula sa 79 na bilang nito sa Pilipinas.

“The conditional cash transfer program is in 79 out of 80 provinces, 79 provinces are involved in the CCT program, except for the province Batanes,” pahayag ni Sec. Lacierda.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply