Paulate at Calalay sinuspinde na ng Ombudsman

IPINAG-UTOS na ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang pagsuspinde kina Quezon City councilors Francisco Calalay, Jr. at Roderick Paulate, at kanilang liaison officers na sina Flordeliza Alvarez at Vicente Bajamunde ngayon lamang.

Ang suspension ay kaugnay ng kasong administratibong isinampa sa kanila sa pagkakaroon ng “ghost employees.”

Nahaharap sila sa mga akusasyong Serious Dishonesty, Gross Neglect of Duty, Grave Misconduct, Falsification of Official Documents, at Conduct Grossly Prejudicial to the Best Interest of Service, sa Office of the Ombudsman (OMB).

Sa 11-pahinang kautusang pinirmahan noong July 5, 2012, sinabi ni Morales na may sapat na dahilan upang isailalim sila sa anim na buwang preventive suspension na walang sweldo.

Ayon sa nagreklamong Field Investigation Office, walang birth record ang National Statistics Office (NSO) at wala ring NBI records ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga empleyadong contractual na nasa kanilang listahan.

Bukod dito, hindi rin kilala ng mga barangay chairman, barangay employees at iba pang mga residente ang nasabing mga contractual employee kung saan sila dapat na nakatira.

Pinatunayan pa ng mga taga-barangay na hindi tagaroon  ang nasabing mga tao at hindi rin mga botante.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply