PCG nag-deploy ng barko sa West Philippine Sea

NAG-DEPLOY na ng barko ang Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea upang matiyak na hindi makapapasok sa teritoryo ng bansa ang mga Chinese ships.

Ito ay bunsod ng patuloy na pagpapadala ng Chinese government ng kanilang barko kung saan namataan ang may 30 sasakyang pandagat sa naturang lugar.

Nabatid na maliban sa mga barkong-pangisda, nag-deploy din ang Beijing ng kanilang patrol vessels para bantayan ang Chinese fishermen.

Samantala, aminado ngayon ang pamahalaang Pilipinas na hanggang “diplomatic protest” lamang ang magagawa nito sakaling may paglabag ang China sa soberenya ng bansa sa bahagi ng WPS.

Una nang nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa China kaugnay sa deployment ng “largest fishing fleet” nito sa Fiery Cross Reef.

Binalaan din ng DFA ang nasabing mga barkong-pangisda na lumayo sa 200-kilometer exclusive economic zone (EEZ) na sakop ng Philippine territory.

Pero ayon kay Foreign Affairs spokesman Raul Hernandez, sakali mang mayroong paglabag ang China, hanggang protesta lamang ang magagawa ng gobyerno para igiit ang karapatan nito sa teritoryo.

“If these (ships) are going to our EEZ, we will file a protest because this is our EEZ and it is only the Philippines (that has) the sovereign right to explore, exploit and manage the resources in that area,” ani Hernandez.

“We require China to respect the sovereign rights of the Philippines,” dagdag pa ng opisyal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply