PCG nakaalerto sa bagyong Ferdie

NAKAALERTO ngayon ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) lalo na sa mga pangunahing pantalan, partikular ang mga naapektuhan ng bagyong Ferdie.

Ayon sa PCG spokesman Lt Cmdr Armand Balilo,, inaasahang lalakas pa ang bagyong Ferdie kaya naman nakabantay sila sa lahat ng pantalan upang mapigilan ang mga mangingisda na nangangahas na pumalaot.

Inalerto na rin ng PCG ang lahat ng kanilang distrito lalo na sa mga apektadong lugar upang mahigpit na ipatupad ang kautusang huwag munang maglayag ang mga sasakyang pandagat.

Partikular na pinagbabawalan ang mga sasakyang pandagat na may 35 tonelada pababa sa seaboards ng Central at Southern Luzon dahil sa pinagsanib na epekto ng bagyo at Habagat.

Pinayuhan din ni Balilio ang mga mangingisda na huwag matigas ang ulo  at huwag na magpumilit na pumalaot upang maiwasan ang anomang trahedya sa karagatan.

Sa monitoring ng PAGASA, huling namataan dakong alas-siyete ng umaga ang sentro ni Ferdie sa layong 90 kilometro (km) Hilaga Hilagang Kanluran ng Laoag City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply