PCG, Navy nakaalerto sa sumadsad na Chinese vessel

NAKAALERTO ngayon ang Philippine Coast Guard o PCG sa sumadsad na Chinese vessel sa Hasa Hasa Shoal .

Tiniyak ngayon ni PCG Spokesman Lt. Commander Armand Balilo na mananatili silang nakasubaybay upang agad makaresponde sa anumang mangyayari lalo na ang pagkakaroon ng pagtagas ng langis o oil spill mula sa Chinese frigate na may bow number no. 560.

Ginawa ni Balilo ang pahayag upang mapawi ang pangambang tumagas ang langis ng Chinese vessel at lumikha ng matinding pinsala sa natural habitat ng mga isda sa Palawan.

Kaugnay nito, nakahanda rin tumulong ang Philippine Navy para mabantayan ang lugar ng insidente.

Ayon Col. Neil Anthony Estrella,  naghihintay na lamang sila ng utos mula sa mga kinauukulang opisyal.

Tinitiyak naman ng opisyal na mananatiling nakadistansiya sa lugar ang mga barko ng Pilipinas at imomonitor ang gagawing operasyon ng China para mahatak ang naturang naval frigate.

Matatandaan na namataan ang sumadsad na Chinese vessel sa Hasa Hasa Shoal  may 60 nautical miles mula sa Rizal, Palawan na sakop pa rin ng Economic Exclusive Zone ng Pilipinas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply