PCG Vice Admiral Tan iaapela ang 90 araw na suspensyon

MAGHAHAIN ng motion for reconsideration sa Sandiganbayan si Coastguard Commandant Vice Admiral Edmund Tan kaugnay sa ipinataw sa kanyang 90-day suspension .

Ang ihahaing motion ni Tan ay kaugnay ng kasong paglabag sa Anti-Graft Law na isinampa sa kanya matapos pigilan ang Iron Shipment Mct Captain noong 2011.

Sinabi ni Tan na walang dahilan ang pagsususpindi sa kanya dahil na-dismiss na ang naturang kaso matapos magsumite ng Affidavit of Desistance ang complainant.

Una nang itinalaga ni Department of Transportation and Communications (DOTC) Sec. Mar Roxas si Rear Admiral Lino Dabi bilang Officer-in-Charge (OIC) ng coastguard hanggang sa linggo habang hinihintay ang pagbalik ni Rear Admiral Luis Tuason, Jr., na siyang magsisilbing OIC hanggang matapos ang suspensyon ni Tan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply