PCG Vice Admiral Tan, sinuspinde ng 90 araw

SINUSPINDE ng Sandiganbayan Fourth Division ng 90  araw ang commandant ng Philippine Coast Guard (PCG) na si Vice-Admiral Edmund Tan dahil sa kinakaharap na kasong katiwalian.

Inatasan na ng Sandiganbayan si Transportation and Communications Secretary Mar Roxas na ipatupad agad ang naturang desisyon.

Ang pagsuspinde kay Tan ay nag-ugat sa kaso na inireklamo ng negosyanteng si Reynaldo Chua Jr. nang pigilin umano ni Tan ang iron shipment nito noong 2007 noong district commander pa siya sa Central Visayas.

Ayon sa pahayag ni Chua, nang nagmatigas si Tan na pagilin ang shipment nito sa kabila ng naging pahayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na walang dahilan para i-hold ang shipment ng negosyante.

Dahil dito, umabot pa sa P500,000 ang binayarang penalty ni Chua.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply