PDEA dismayado sa pagkakabasura ng mga kaso sa korte

BAGAMAT dismayado ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mababang rate ng drug cases na nasesentensiyahan hindi naman magiging sagabal kundi isang hamon para mas paigtingin pa ang kanilang trabaho sa pagtugis at pagsasampa ng kaso sa mga nasasangkot sa iligal na droga.

“I refuse to get discouraged by the dismal conviction rate arising from drug cases filed in courts.  Instead, I consider it as a challenge to motivate my men [and women] to work harder to be able to increase the number of suspects convicted for violating the anti-drug law and consequently decrease the incidents of acquittal of suspects and dismissal of drug cases,” ayon kay PDEA Direcrtor General Jose S.  Gutierrez.

Batay sa datus na nakalap ng PDEA kaugnay ng mga kaso sa korte , bumaba pa aniya sa 52% ang kabuuang bilang ng mga kaso na nadesisyunan ng korte ang pumabor sa kanilang mga drug law enforcers.

Sakop, aniya, dito ang mga kasong naiakyat sa korte at hindi kasama ang mga kasong naibasura sa piskalya pa lamang at hindi na umabot pa sa korte .

Kabilang sa sinasabing ilan sa mga dahilan ay ang hindi pagsipot ng mga testigo ng prosekusyon sa mga pagdinig sa korte kung kaya nadidismiss ang kaso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply