PDEA: Ilang politiko sangkot sa operasyon ng droga

IBINULGAR ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na may ilang politiko silang binabantayan kasunod ng inaasahang pagtindi ng operasyon ng droga sa bansa habang papalapit ng papalapit ang eleksyon.

Ayon sa PDEA, bukod sa paglaganap ng karahasan, karaniwang lumalakas ang operasyon ng droga tuwing malapit na ang halalan.

Binigyang diin ng PDEA na ilang politiko ang ginagamit ang kita nila sa droga para pondohan ang kanilang kampnaya sa eleksyon.

Tumanggi naman ang PDEA na pangalanan ang mga politiko ang sangkot sa mga operasyon ng droga pero may natutukoy na umano silang mataas na opisyal ng gobyerno ang nasa likod ng drug syndicate sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply