PDEA nagising na sa mahabang pagkakahimbing

AKTIBO at buhay na buhay na naman ang tanggapan ng Philippine Drug enforcement Agency (PDEA) dahil sa pagkakasibak  ng ilang hepe na wala naman talagang karapatang maging hepe ng isang departamento.

Halos isang taon ding nanahimik ang PDEA sa kabila ng maraming accomplishment nito dahil sa maling pagkuha ng kanilang PIO. Saan ka naman nakakita ng PIO ng isang ahensiya na  walang ginagawang press realease o  sadya lang talagang hindi maru-nong gumawa ng press release ang nakaupo o nakapuwesto?

Mabuti na lang at nagising na sa mahabang pagkakahimbing itong si PDEA Director General Undersecretary Jose Gutierrez,  at napag-isip-isip na mali ang kanyang paglalagay sa isang PIO ng hindi naman marunong gumawa ng press release.

Muling ibinalik bilang PIO ng PDEA itong si Director Derrick Careon noong nakalipas na Lunes lang at kaagad naman itong nagpakitang gilas at gumawa ng press releases na ubod ng dami kaya ang mga reporter ng PDEA ay tuwang-tuwa dahil may mga balita na ulit sila.

Pambungad na press release na ginawa ni Careon ang pagkakaaresto sa isang commercial pilot na si Rioklyn Toledo na naaktuhan umanong nagbebenta ng dalawang sachet ng shabu sa isang ahente ng PDEA at sinasabi ring itong si Toledo ang nagsusuplay ng ipinagbabawal na gamot sa ilang piloto  at turista.

Sa isang press release din ng bagong PDEA PIO ay nalaman ng publiko ang pagkakaaresto sa isang Singaporean national na dumating sa bansa sakay ng Thai Airways flight TG624 mula Bangkok, Thailand na si Ng Boon Eng Danny, dala ang tinatayang tatlong kilo ng shabu.

Bukod kay Ng Boon Eng Danny ay naaresto rin ng mga tauhan ni PDEA Regional Office National Capital Region (PDEA RO-NCR) Chief, Director Wilkins Villanueva, ang sinasabing pagdadalhan ng nasabing “package” na nakilalang si Ghale Nar Maya, isang Nepalese National sa kanyang tinutuluyang hotel sa Malate, Manila.

Maganda ang panimula ng bagong  PDEA PIO  at sana ay tuloy-tuloy na itong makapaghatid ng  mahalagang impormasyon sa publiko, lalo na sa kanilang mga magagandang accomplishment.

Sa pagbabalik bilang PDEA PIO  nitong si Derrick Careon, sana ay maging daan din ito para mabalik ang magandang ugnayan o re-lasyon ng mga tauhan ng PDEA sa mga mamamahayag.

At sana rin ay manumbalik na ang dating sigla ng PDEA Press Corps na halos isang taon ding napabayaan ng PDEA-PIO  at sa pamamagitan ng bagong  PIO ngayon umaasa kami na mai-babalik na ang internet connection dito upang sa ganun ay hindi naman magmukhang kawawa ang mga reporter na naka-beat dito sa PDEA.

Bukas po ang Lily’s files column natin para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento. Mag-text lang po sa  0915568-3000 at 09087230036 o kaya ay mag-email lang sa  lpr_2012@ya-hoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply