Peace process sa GRP, MILF, ipaubaya sa gobyerno – Simbahan

NILINAW ng mga Obispo ng Simbahang Katolika na mahalagang ,matuldukan na ang ilang dekadang karahasan at hindi pagkakaunawaan sa Mindanao.

Dahil dito,ipinauubaya na ng MIndano Bishops sa gobyerno at civil society group ang mga usaping pulitikal kaugnay ng isinusulong na peace process sa pagitan ng GRP at MILF panel.

Sinabi naman ni Davao Archbishop Romullo Valles,miyembro ng Bishops Ulama Forum na kanilang babantayan  ang peace process maging transparent ang negosasyon at ang mapagkasunduan ng magkabilang panig.

Hinimok din ng Arsobispo ang magkabilang panig na makinig at maging bukas sa mga suhestiyon at rekomendasyon ng mga stakeholders at civil society groups.

“Importanteng makinig ang magkabilang panig sa mga stakeholders at civil society groups upang mangibabaw ang kapakinabangan ng mamamayan o ng bansa at hindi ang kagustuhan ng iilang grupo lamang o ng mga opisyal ng pamahalaan”.paglilinaw ng Arsobispo sa panayam ng Radio Veritas

Tanging kagustohan  aniya ng Simbahan ay ang katahimikan at kapayapaan  at walang karahasan sa Minadanao dahil ang kaguluhan at hindi pagkakaunawaan ang ugat ng kahirapan ng mga taga-rehiyon.

Sa ngayon, aniya, ay ayaw nang magkomento ang mga Obispo sa panawagan ng MILF na ilahad ang kanilang paninindigan sa hinihiling ng mga muslim na “substate”.

Nauna rito, nagkaroon ng peace forum sa pagitan ng mga Mindanao Bishops at Presidential Adviser on the Peace Process Marvic Leonen sa katatapos na 105th CBCP plenary assembly sa Pope Pius XII noong July 7 hanggang July 9,2012.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply