Pediatricians pupulungin ng DOH vs EV-71

PINAPLANO ng Department of Health (DOH) na pulungin ang mga pediatrician sa Biyernes (Hulyo 20) upang mapaghandaan ang posibleng pag-atake ng human enterovirus 71 o EV-71.

Ayon kay Health spokesman at assistant secretary Dr. Eric Tayag, ipapatawag nila ang mga pediatrician sa pamamagitan ng Philippine Pediatric Society para makatulong sa paghahanda ng panuntunan ukol sa mga pasyenteng pinaniniwalaang may EV-71.

Kaugnay nito,inatasan na ng DOH ang mga ospital na mag-report sa Kagawaran tungkol sa mga kaso ng hand, foot and mouth disease (HFMD).

Samantala, nagbigay naman ng payo ang DOH sa mga magulang na dalhin agad sa ospital  ang kanilang mga anak na may sintomas ng HFMD gaya ng lagnat, pananamlay, ubo, pagdudumi at makikitaan din ng butlig sa iba’t ibang parte ng katawan o skin rashes.

Ang mga isinagawang babala ay bunsod na rin ng pagkumpirma ng DOH na mayroong nagpositibong dalawang bata sa enterovirus.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply