Pekeng engineer nadakip sa Caloocan

KULONG ang isang lalaki matapos mapanggap na isang engineer at hingan ng pera ang isang ginang dahil walang building permit ang huli sa Caloocan City.

Nahaharap sa kasong estafa at usurpation of authority si Benigno Angeles Jr., 45 ng Damayan, Maypajo ng lungsod.

Sa pahayag ni Lilibeth Pacaña ng Dagohoy St., dakong alas-11:00 ng umaga noong Hulyo 11, nagpunta ang suspek sa kanilang bahay at sinita dahil walang mayors permit sa pinare-renovate na bahay.

Nagpakilalang engineer ng Caloocan City si Angeles at inalok ang biktima na ang suspek na ang lalakad ng permit at nagkasundo sila sa halagang P3,500.

Pagbalik ng suspek, may dala itong kapirasong tabla na may makasulat na R-4430 at isinabit sa bahay.

Nagduda ang biktima at nagsadya sa engineering office at nakumpirmang peke ang permit at pekeng engineer si Angeles.

Kahapon, dakong alas-4:00 ng hapon ay nagbalik ang suspek sa biktima at humirit muli ng pera subalit nakahingi ng tulong ang huli sa mga barangay tanod at nadakip ang suspek na binitbit sa presinto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply