People power vs dengue, inilunsad sa Ilo-ilo

UMAKYAT na sa bilang na 826  ang kaso ng dengue hemorrhagic fever  sa  Iloilo City.

Sa nasabing bilang ay nakapagtala na ang Provincial Health Office ng lalawigan ng  15 patay  mula lamang s abuwan ng Enero hanggang Hunyo 2012.

Pinakamarami sa mga tinamaan ng sakit ay mga bata na may 612 at 123 sa matatanda.

Sinabi ni Iloilo Provincial Health Officer Dr. Ma. Socorro Colmares-Quiñon, 10.28 porsiyento ang itinaas ng kaso ng dengue sa ngayon kumpara sa kaparehong buwan nuong nakalipas na tao.

Bunsod nito, muling nagpaalala ang provincial health office sa mga residente sa lugar  na patuloy ang paglilinis sa kanilang kapaligiran upang maiwasan ang pagdami ng mosquito dengue carrier.

Nito lamang Hulyo 2 ay naglunsad nan g “people power kontra dengue” ang lalawigan dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng kaso ng nakamamatay na sakit.

Kabilang si Congressman Teddy Casiño (Bayan Muna Party-list) at mga opisyal mula sa mga munisipalidad ng  Iloilo, teachers at estudyante sa paglunsad ng province-wide campaign na “People Power Laban sa Dengue” para masugpo ang paglaganap ng pagtaas na bilang ng dengue cases sa lalawigan.

“People Power has toppled a dictators and tyrants here and abroad. We should harness that to topple the spread of dengue. We share the concern and rightfully raise the alarm on the 279% increase of dengue cases in the province of Iloilo for the first six months of 2012 as reported by the provincial health office. The 73 new dengue cases and three (3) cases of death in Pavia puts emphasis to the need for the full participation of all officials and citizens to fight the upsurge and spread of dengue,” ayon kay Casiño.

The Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU) of the Iloilo Provincial Health Office (PHO) has overall recorded 629 cases with 12 deaths for the January 1 to June 16, 2012 period, up 279% compared to the same period of 2011.

“But while the health office says that the number of cases is not to be considered an epidemic yet, it is better that we all counter the spread of dengue cases in joining the anti-dengue campaign.  It is about local government executives and employees and more importantly, all local residents exerting efforts to keep surrounding areas clean – especially getting rid of stagnant water  where dengue carrier mosquitoes can breed. We do not want another 2010, where Iloilo was placed under a state of calamity with 6,500 dengue cases and 32 deaths,” dagdag pa ni Casiño.

Pinasalamatan din ni Casiño ang  PHO sa pamamahagi ng larvicides para masugpo a ng itlog ng mga lasmok sa mga stagnant water. Pinasalamatan  din ni Casino ang Department of Science and Technology (DOST-6)  sa pamamahagi ng ‘mosquito ovicidal/larvicidal traps designed to attract female mosquitoes and kill their eggs, thereby reducing the number of dengue cases.’

“Let us heighten our efforts to stem the spread of dengue in Iloilo, Panay island, and the Philippines. Each citizen’s participation in this People Power will save lives and make our environs cleaner, safer and better for our children and our common future,”  panawagan ni Casiño.

Samantala, nababahala ngayon ang lokal na pamahalaan ng Dagupan City matapos dumami ang naitalang nagkakasakit dulot ng pagtatae.

Umabot na sa 40 ang bilang ng mga batang nagtatae at ngayon ay ginagamot sa Region I Medical Center.

Bunsod nito, pinayuhan ng City Health Office ang mga residente na tiyaking malinis ang kanilang iniinom na tubig at pagkain upang maiwasang tamaan ng naturang sakit.

Pinayuhan din ang mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak na nasa edad na 1 hanggang 3 taong gulang sa kanilang barangay upang mapabakunahan ng rota virus vaccine na libreng ibinibigay sa publiko.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply