People’s artist award igagawad kay Dolphy

BAGAMA’T pinagkaitan ng pagkilala ng gobyerno ang namayapang komedyante na si Dolphy bilang national artist ay hindi naman siya binigo ng samahan ng mga artista, direktor, mang-aawit, manunulat, kompositor at mga civic leader at non-government organization (NGO) na bigyan ng isang uri ng parangal at pagkilala.

Ayon sa singer na si Anthony Castelo, pangulo rin ng Dakilang Lahi Foundation, ang parangal ay tatawaging People’s Artist Award na kanilang igagawad sa Hari ng Komedya.

Sinisimbolo aniya ng nasabing pagkilala ang pagbibigay hustisya sa kagaya ni Dolphy na pinagkaitan ng gobyerno ng isang nararapat na pagkilala para sa kanyang naging kontribusyon hindi lamang sa buhay ng maraming mamamayan kundi sa buong bansa sa larangan ng pagbibigay ng kasiyahan sa mga tao.

Sinabi ni Castelo na hindi lamang para kay Dolphy ang nasabing award kundi para na rin sa iba pang mga artista at mga nasa larangan ng entertainment na hindi nabibigyan ng sapat na pagkilala ng gobyerno.

Kung sakali ani Castelo, posibleng si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada ang mag-abot ng People’s Artist Award sa pamilyang naulila ni Tito Dolphy.

Idinagdag pa ni Castelo na sa kanyang pakikipag-usap kay dating Pangulong Estrada, sinabi umano nitong kung meron lamang award na higit pa sa national artist award ay ito ang dapat ipagkaloob sa namayapang si Dolphy dahil na rin sa kanyang mga nagawa bilang isang artista.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply