Pera ng kompanya ipinatalo sa sugal ng liason officer

NAGSASAGAWA na ng manhunt operation ang mga tauhan ng Manila Police District para sa ikadarakip ng 52-anyos na liason officer ng isang travel agency matapos naipatalo sa casino ang P266,903 na pera ng kompanya na kanyang kinolekta para ideposito sa bangko.

Nahaharap sa kasong qualified theft si Hermogenes Ciudad, empleyado ng Travel Scene Inc., at residente ng 200 Int., 3 Clavel St., Binondo, Manila.

Nagbunsod ang pagtugis sa suspek makaraang maghain ng reklamo ang isang Charina Eula, 37, accounting manager ng nasabing travel agency laban sa salarin.

Batay sa ulat, nitong nakaraang July 20 nang utusan si Cuidad na kolektahan ang isa nilang kliyente saka ideposito ang pera sa Union Bank, sa Malate branch.

Gayunman, napag-alaman sa pulisya na hindi na nagpakita pa si Ciudad sa kanilang opisina.

Pinuntahan sa kanilang bahay ang suspek subalit hindi ito nadatnan at nang tawagan ay sinabing magulong-magulo ang kanyang isip dahil naipatalo nito sa casino ang dalang pera.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply