Pet registration, batas sa Quezon City

NANAWAGAN si Quezon City Herbert Bautista sa mga residente sa lungsod na iparehistro at pabakunahan ang kanilang alagang hayup, lalo na ang mga aso,  para mapigil ang pagkalat ng rabies.

Ang sinumang hindi susunod ay mahaharap  na magbayad ng malaking danyos o pagkakulong.

Ginawa ni Baustista ang panawagan matapos pirmahan ang isang ordinansa.

Ang Ordinance 2155 series of 2012 o ang “Quezon City Comprehensive Rabies Prevention and Control Ordinance,” na nilagdaan noong Hulyo 11 ay magiging epekto sa susunod na taon.

Ang nasabing ordinansa  ay nananawagan para magkaroon  ng mass registration at vaccination ng domesticated animals; ang pagtatayo ng isang data system para sa mga registered pets; ang pag-impound sa mga unregistered at unvaccinated na so at ang pasasagawa ng information campaign para masawata at mapigil ang kaso ng rabies cases.

Sa ilalim ng bagong ordinansa, ang mga may-ari ay kinakailangan iparehistro ang kanilang alagang hayup bawat taon sa Quezon City Health Department’s Veterinary Services Division (VSD) sa pagitan ng Enero 1 at Marso 31.

Tatanungin sila hinggil sa impormasyon na tungkol sa kanial at sa kanilang alagang hayup particular ang  pangalan, breeding, color, sex at maging ang petsa kung kailan ito binigyan ng antirabies shots.

Matapos magbayad ng P100 para sa isang alagang hayup, bibigyan ang may-ari ng registration card na may trace number at isang tag na dapat ilagay sa pet collar kapag ito ay inilabas ng bahay.

Responsable rin ang mga may-ari na ang kanilang mga alagang hayup ay properly groomed, vaccinated, well-fed at sheltered.

Dapat din ireport kaagad sa awtoridad kapag ito ay nakakagat sa loob ng 24 hours, at dapat din na sasagutin ang financial assistance sa nbakagat ng biktima ay ipatingin ang kanilag alaga para obserbahan ng  beterinaryo para sa  rabies symptoms.

Kapag namatay ang hayup sa loob ng  14-day observation period, dapat ibigay ng may-ari ang cadaver para sa laboratory examination.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply