Pet shop nagbebenta ng exotic at imported animals

MARAMING uri ng hayop sa ating bansa ang nanganganib na maubos ang lahi kung kaya’t may sangay ng pamahalaan at ilang samahan  ang nagmamahal at nangangalaga sa kapakanan ng mga ito ang pursigidong maparusahan ang mga nagmamalupit sa mga hayop.

Sa gawi ng Visayas Avenue malapit sa Tandang Sora, ang Dong’s Pet Shop na pag-aari ng mag-asawang Dong at Mia Torculas ay aakalain mong nagbebenta lang ng mga naggagandahang imported na aso, makukulay at masisiglang ibon at isda dahil pawang ang mga  tulad nitong ordinaryong hayop lang ang naka-display sa kanilang pet shop.

Pero ang totoo, nagbebenta sila ng mga endangered at exotic na mga hayop mula sa ibang bansa at malalayong lalawigan sa bansa.

Ilan sa mga kliyente nila ay pawang opisyal ng pamahalaan. Sa kanilang shop sa 348 Visayas Avenue nagpupunta ang ilang mamimili ng imported, exotic at endangered species animals tulad ng ahas, sawa, pawikan, pagong, myna, loro at iba pang hayop na hindi dapat ibenta at sa halip ay nasa kagubatan ang kanilang tirahan.

Minsan, isang alkalde ng Bulacan ang bumili ng exotic animal sa pet shop na ito na matapos bayaran ay kaagad umalis at hindi na dinala ang binayarang hayop. Ito ay dahil pinabalikan ni Mayor Kulas  bandang alas-11 ng gabi sa kanyang tauhan dahil bawal nga ang pagbebenta at pag-aalaga ng mga uri ng hayop na ibinebenta ng pet shop ni Mia at Dong Torculas.

Siyanga pala, inireregalo lang naman ng mayor ang exotic animal na kanyang binibili sa kanyang lovey-dovey. Hindi lang tayo sigurado kung iyon ang kanyang esmi.

Nakapagtataka lang kung paano nailulusot ng may-ari ng pet shop na ito ang kanyang mga paninda mula sa ibang bansa. Baka naman may kapit ito sa nasa pamahalaan? Sabagay, ipinag-mamalaki ng may-ari na kumpleto sila sa mga papeles na kailangan upang makapagbukas at makapag-operate ang kanilang negosyo. (itutuloy)

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply