Petisyon ni Corona ibinasura ng SC

IBINASURA na ng Korte Suprema ang petisyon ni dating Chief Justice Renato Corona na kumukwestiyon sa impeachment case laban sa kanya, at sa impeachment trial na ginawa ng Senado.

Unanimous o nagkakaisa ang mga mahistrado sa pagbasura ng petisyon.

Hindi naman nakiisa sa deliberasyon si Justice Presbitero Velasco, habang naka-leave si Justice Arturo Brion.

Sa 15-pahinang desisyon na sinulat ni Justice Martin Villarama, itinuturing ng moot and academic ang mga constitutional issue na inilahad ni Corona sa petisyon bunsod na rin sa naganap na supervening event at ng mismong mga ipinakitang kilos ni Corona.

Si Corona ay sinibak sa pwesto ng Senado noong May 29, 2012.

Tinukoy ng Korte na kaagad namang tinanggap ni Corona ang hatol ng Senate impeachment court at hindi na naghain ng anumang protesta.

Sa kanyang petisyon, sinabi ni Corona na nakagawa ng grave abuse of discretion ang impeachment court nang magdaos ng paglilitis batay sa reklamong inihain ng Kamara, gayong ang reklamo naman ay depektibo dahil sa kawalan ng probable cause.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply