Petisyon sa SC ni Zaldy Ampatuan ibinasura

IBINASURA ng Korte Suprema ang petisyon ni Dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan na humihiling na maalis ang kanyang pangalan sa listahan ng mga akusado sa kaso ng Maguindanao massacre.

Sa resolusyong may petsang June 25, 2012, tinukoy ng SC na nabigo si Zaldy Ampatuan na patunayan na nagkamali ang Court of Appeals nang katigan ang resolusyon ng Department of Justice noong May 5, 2010.

Sa nasabing resolusyon ng DOJ, binuhay ng DOJ ang kasong 57 bilang ng kasong pagpatay laban kay Zaldy Ampatuan.

Nauna nang ibinasura ng Court of Appeals ang petisyon ni Zaldy makaraan nitong hindi makitaan ng grave abuse of discretion ang panig ni dating Justice Secretary Alberto Agra nang katigan ang findings of probable cause para sampahan ng kaso sa korte si Zaldy.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply