Phase out ng charity ward, kamatayan sa mahihirap

KAMATAYAN para  sa mahihirap ang planong phase out ng mga charity ward sa mga pampublikong ospital, ayon sa grupo ng mga manggagawa.

Ito ang naging pahayag ng Kilusang Mayo Uno o KMU matapos ianunsyo ng Philippine Health Insurance Company o Philhealth na tatapusin na ang naturang serbisyo simula susunod na taon.

Ayon sa Philhealth, sasagutin na raw nila ang pagpapa-ospital ng mga mahihirap na makakasama sa National Household Targeting System ng Department of Social Work and Development.

Ngunit ayon naman sa KMU, niloloko lamang ng gobyerno ang mamamayan sa bagong programa.

Ayon sa  KMU, ang tunay na layunin ng programa ay bawasan ang gastusin sa kalusugan at hayaan ang mamamayan ng magbayad sa pagpapaospital sa pamamagitan ng Philhealth.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply