Philhealth fee hike sa OFWs haharangin

HINDI pa man nakahuhulagpos ang tinaguriang bagong bayani, nais ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na taasan ng 167% ang sinisingil na premium sa Overseas Filipino Workers (OFWS) na pinaimbestigahan ngayon ni Sen. Manny  Villar.

Nitong Huwebes, inihain ni Villar ang Senate Resolution No. 706 na inaatasan ang Senate committee on health and demography at committee on labor, employment and human resources development na suriing mabuti ang planong itaas mula sa dating P900 sa P2,400 kada taon ang premium ng OFW sa PhilHealth.

“We should really study hard the soundness of moves to increase fees imposed on our OFWs. Ang dagdag na bayarin ay dagdag na pasanin sa mga kababayan natin na malaki na ang isinakripisyo para sa kanilang pamilya at para sa bansa. Hindi naman po lahat ng OFW ay malaki ang kinikita,”paliwanag ng senador.

Ikinatwiran pa ni Villar, founder ng Villar Foundation, na dapat ikonsidera din ng Philhealth na ang mga OFW ay sa ibang bansa nagtatrabaho kung kaya hindi nila magagamit ang serbisyo ng Philhealth, maliban na lamang kung nasa Pilipinas sila.

Nauna rito, hiningi ni Kenji Solis, presidente ng international OFW organization na Pinoy Expats/OFW Blog Awards (PEBA) Inc., ang tulong ni Villar para harangin ang implementasyon ng umento sa premium ng OFW sa Philhealth.

Tutol ang PEBA sa umento ng kontribusyon dahil hindi aniya lahat ng OFW ay may kakayanan na magbayad ng malaking premium. Bukod dito, ipinagbabawal din ng Republic Act 10022 o ang Amended Migrant Workers Act of 2010 ang umento sa government fees.

Noong Disyembre 15,2011, inisyu ng Philhealth ang Circular No. 022 series of 2011 upang itaas ang premium contribution ng mga miyembro.

Ngayong Hulyo 1, 2012 sana ang implementasyon ng umento sa kontribusyon ng miyembrong OFW subalit ipinagpaliban hanggang Enero 2013.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply