Philip Salvador, walang ‘K’ tumakbo sa Bulacan bilang bise gobernador!

MARAMI ang nagulat sa biglang naging desisyon ni Philip Salvador na tumakbo sa darating na election for 2013 bilang Gobernador o bise Gobernador ng lungsod ng Bulacan. Sa totoo lang, kapag nanalo si Ipe ay maaari na rin nating sabihin na maraming hindi nagmamahal sa kanilang sariling bayan.

Hindi lehitimong taga Bulacan si Ipe, ang kanyang mga magulang lamang ang siyang masasabing tunay na tagaroon, subalit hindi pa rin masasabi na sadyang taga-Bulacan sila dahil nang sinilang ang kanyang mga magulang ay bigla silang nanirahan sa labas ng Bulacan.

Kung tutuusin tanging si Cesar Ramirez, a.k.a. Daniel Fernando lamang ang masasabing tunay o tubong Bulacan. Ang kanyang mga magulang isinilang at nagsilaki bilang mga Bulakenyo. At maging si Daniel ay totoong taga-Bulacan dahil nakaranas ito ng hirap sa buhay sa lalawigan na kanyang nakagisnan.

Maraming naging karanasan si Daniel dahil lumaki rin sya na kasabay ang kanyang ama at ilang mga kapatid kung saan nagbubungkal sila ng kanilang mga lupain para lamang patuloy silang mamuhay nang matiwasay bilang mga Bulakenyo.

Si Philip Salvadror, kahit kailan ay hindi nabahiran ng mga putik o ano mang uri na dumi ng pang bukid. Lumaki si Ipe sa karangyaang pamumuhay sa lungsod ng kamaynilaan. Kaya kung titignan ninyo ay masasabing si Ipe ay produkto ng banyaga at hindi masasabing isa itong Pilipino o Bulakenyo.

Panawagan sa mga taga-Bulakenyo huwag ninyong ilagay sa alanganin ang inyong lalawigan. Hindi pa ba kayo kuntento sa panunungkulan ni Gov. Daniel Fernado?

Bakit, hindi ba ninyo nakikita ang kaayusan ng inyong lugar at mga manhid na ba kayo o sadyang hindi lang kayo marunong kumilala ng taong nagmamahal at nagtatrabaho nang maayos para sa inyong bayan. Nasaan ang inyong hiya kung sa loob ng ilang taong panunungkulan ni Daniel na mapabuti ang lalawigan ng Bulacan? Huwag na lang kayo mahiya kay Daniel, sa inyong mga sarili na lang!

‘Yun lang!

***

Ipinakikilala: Nikko Martine Umali…

ISANG 19 anyos na hanggang ngayon ay patuloy pang nangangarap na pumalaot sa larangan ng showbiz. Si Nikko ay laking San Pablo Laguna.

Lumaki at nangarap dahil sa nais nyang makatulong sa kanyang mga magulang at mga kapatid kaya patuloy siyang nakikipagbuno sa hirap ng buhay.

Ayon kay Nikko, wala syang hinangad kundi ang maayos niya ang kanilang pamilya upang lalo pang magtuluy-tuloy ang kanilang pagsasama. Ayaw n’yang maging produkto sila ng ‘broken family’ kung kaya’t hanggang ngayon ay patuloy pa siyang nag-aaral kahit kasabay nito ang isang pangarap na maging bahagi ng pelikula at telebisyon.

Pangarap ni Nikko ang maging isang maghusay na mang-aawit kaya madalas siyang nag-eensayo ng mga magagandang awitin ng sa ganon ay makasamna nya ang kanyang mga idol na sina Christian Bautista, Chad Borja at Ariel Rivera.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply