Philippine flag sa kabaong ni Dolphy inihirit

UMAPELA sa pamahalaan ang Dakilang Lahi Foundation sa pamahalaan na lagyan ng Philippine flag ang ibabaw ng kabaong ng namayapang Comedy King na si Rodolfo Vera Quizon o Dolphy.

Ito ang naging kahilingan ng singer at dating QC Councilor Anthony Castelo at tagapangulo ng artist group na nararapat lang aniya na lagyan ng bandila ng bansa ang kabaong ni Dolphy bilang pagkilala at pagrespeto sa komedyante hindi lamang ng gobyerno kundi maging ang sambayanang Filipino.

Dagdag pa ni Castelo posible aniya ngayong araw igagawad ng Dakilang Lahi Foundation kay Dolphy ang kauna-unahang People’s  Artist Award at inaasahan nilang si dating Pangulong Joseph Estrada ang mag-aabot nito sa naiwang pamilya ng Comedy King.

Paliwanag pa ni Castelo na noon pang Hulyo 7 sana naigawad kay Dolphy ang parangal dahil umaasa pa silang makaka-recover pa ang komedyante.

Ayon sa grupo ang People’s Artist Award aniya ay katumbas ng National Artist Award na ipinagkait ng gobyerno kay Dolphy.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply